-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apila ni Pharmally official na si Mohit Dargani na makapagbiyahe sa palabas ng bansa.

Si Dargani ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umanoy overpriced na pagbebenta ng COVID-19 medical supplies.

Sa inilabas na resolution ng Fift-Division ng Sandiganbayan na kanilang kinukuwestiyon ang kahalagahan ng 18-araw na biyahe ni Dargani sa Spain,Germany at Thailand.

Nakasaad sa Sandiganbayan na ang routine na ito ay maaring gawin remotely o isa lamang itong pagpasyal.

Una ng hiniling ni Dargani na payagan siyang bumiyahe mula Nobyembre 10 hanggang 29 para sumailalim sa routine medical check-up, bisitahin ang pamilya at dumalo sa kasal ng insan.

Plano din nitong dumalo sa trade fair at business meeting sa ibang bansa.

Dagdag pa ng Sandiganbayan na hindi sapat ang dahilan para maidepensa ang flight risk dahil sa kasong kinakaharap nito.

Sa pagkakaroon ni Dargan ng Filipino at Spanish passports ay may mataas na posibilidad nito na tumakas sakaling makalabas na ng bansa.