-- Advertisements --

Sumentro sa pagiging gabay ng Panginoon ang homily ni Lipa Archbishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Gilbert Garcera.

Sa ginanap na Misa sa Hatinggabi sa Pasko ng Pagsilang sa Metropolitan Cathedral of San Sebastian – Archdiocese of Lipa, binigyan diin ni Garcera na hindi kailanman ay iniwan tayo ng Diyos.

Binigyang halaga din nito ang pagdarasal ng bawat isa para sa kapakanan ng bansa.

Gaya ng pagdalo sa siyam na araw ng Simbang Gabi nakakasama ng tao ang Diyos sa paglalakbay na sumisimbolo ng pag-asa.