Libu-libong Filipino teachers at estudyante ang nakararanas ngayon ng pagkaantala sa pagproseso ng kanilang U.S. visa dahil sa bagong patakaran na ipinatupad ng United States Department of State.
Sa ilalim ng bagong polisiya, susuriin ng U.S. Citizenship and Immigration Services ang lahat ng social media accounts ng aplikante bilang bahagi ng mas mahigpit na proseso ng pag-vetting upang matukoy kung karapat-dapat silang pagkalooban ng nonimmigrant visa sa U.S.
Maalalang sinimulan ang polisiya noong Disyembre 15, 2025.
Apektado rito ang mga aplikante ng H-1B work visa at kanilang dependents (H-4), J visas para sa exchange visitors, F visas para sa academic students, at M visas para sa vocational students. Pinapayuhan silang ilagay sa ”public” ang kanilang mga social media accounts.












