Posibleng nagdaranas si Catalina “Cathy” Cabral, dating DPWH Undersecretary, ng insomnia na may kaugnayan sa depresyon o anxiety, batay sa mga gamot na natagpuan sa kanyang hotel room sa Baguio City, ayon sa isang psychiatrist-psychologist.
Kabilang sa mga nakumpiskang gamot ang melatonin, lemborexant, at iba pang gamot. Lumabas din sa toxicology report na positibo siya sa citalopram, isang antidepressant. Ayon sa eksperto, ang kombinasyon ng gamot ay karaniwang para sa sleep disorders at mental health conditions, at ang paggamit ng maramihang sleep aids ay maaaring nagpapakita ng mahirap gamuting insomnia.
Pinaniniwalaang nagpakamatay si Cabral sa Kennon Road, Tuba, Benguet, at wala pang indikasyon ng foul play habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (report by Bombo Jai)
















