-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga kaso ng non-communicable diseases o mga sakit na hindi nakakahawa sa bansa nitong bisperas ng Pasko.

Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH), kung saan naitala nila ang pagtaas ng mga kaso mula ika-21 hanggang ika-24 ng Disyembre.

Ayon sa kanilang datos, umabot sa 18 ang mga kasong naitala sa loob lamang ng apat na araw.

Kabilang sa mga naitalang kaso ang mga pasyenteng inatake sa puso, mga na-stroke, at mga inatake ng asthma.

Ang pagsubaybay sa mga ganitong uri ng sakit ay bahagi na ng kanilang Ligtas Christmas Campaign, isang programa ng DOH na naglalayong protektahan ang kalusugan ng publiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa mas detalyadong datos, lumalabas na 14 sa 25 pasyenteng naitalang inatake sa puso ay nasa edad 60 pataas.

Katulad din nito, 14 naman sa 45 pasyenteng na-stroke ay kabilang sa parehong age group, edad 60 pataas.

Ipinapakita ng mga datos na ito ang pagiging vulnerable ng mga nakatatanda sa mga non-communicable diseases ngayong holiday season.