-- Advertisements --

Dinalaw ng mga mataaas na dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno ang unang gabi ng burol ni dating Speaker Jose De Venecia sa Taguig City.

Kabilang dito sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating speaker Martin Romualdez, Senator Migz Zubiri, Senator Sherwin Gatchalian, Atty. Salvador Panelo at maging ang legendary singer na si Jose Mari Chan.

Ibinahagi rin ni Commission on Election George Garcia ang ilang masasayang alaala nila ng dating speaker.

Nagsilbi kasing legal counsel si Garcia noong ito ay baguhan pa lamang sa pagiging abogado.

Magugunitang pumanaw si De Venecia nitong Pebrero 10 sa edad na 89.

Mananatili ang burol nito sa Heritage Park sa Taguig ng hanggang Pebrero 13 bago dalhin sa Lungsod ng Dagupan mula Pebrero 14 at 15.

Sa araw ng Lunes ay gaganapin ang Memorial at Necrological service bago ibabalik sa Heritage Park sa Pebrero 17.

Pagdating ng Miyerkules, Pebrero 18 ay ililibing ito sa Libingan ng mga Bayani.