-- Advertisements --
Nagsimula ng makabawi ang mga negosyante ng lechon mula sa La Loma , Quezon City.
Ito ay matapos na maipasara ang mga ito ng mahigit tatlong linggo dahil sa banta ng African swine fever (ASF).
Sinabi ni Ramon Ferreros ang pangulo ng Lechoneros Association of La Loma, na nakabangon na ang kanilang negosyo matapos na sila ay nalugi ng ilang milyon pesos dahil sa pagsasara.
Ang pinakamaliit na lechon ay nagkakahalaga ng mula P10,000-P12,000 habang ang pinakamalaki ay mula P15,000-P20,000.
Ang mga kulang sa budget ay mayroon naman per kilo ang benta na mula P1,500 hanggang P1,600.
Pagtitiyak na ang nasabing presyo ay hindi magbabago hanggang sa pagtatapos ng taon.
Inaasahan nila na dadami ang bibili ng lechon sa noche buena at medya noche.
















