-- Advertisements --

Nakatakdang magbigay ng kaniyang unang mensahe si dating Philippine National Police chief, PGen. Nicolas Torre III sa Metropolitan Manila Film Festival (MMFF) Awards Night.

Ito ang unang public appearance ng dating 4-star general bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasunod ng pagtatalaga sa kaniya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Bilang bagong talagang opisyal, si Torre ang nakatakdang magbigay ng opening remarks para sa inaabangang Awards Night.

Ayon naman kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer si Torre ay isang ‘technocrat’ na inaasahang maghahatid ng magandang serbisyo sa ilalim ng MMDA.

Tiyak aniyang magiging maganda ang tandem nila ni MMDA Chairperson Atty. Romundo Artes, lalo at dati na rin silang nagkakasama sa ilang pagkakataon tulad ng mga malalaking aktibidad dito sa Metro Manila.

Nakatakda ang Awards Night bukas, December 27, 2025.