Nanguna ang illegal vehicle turning, na tinatawag ding moving violations sa Estados Unidos, bilang pinaka-karaniwang traffic violation sa Metro Manila noong 2025, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado.
Batay sa tala ng Traffic Ticket Management Division, pangalawa sa listahan ng mga karaniwang paglabag ang unattended illegal parking, kasunod ang disregarding traffic signs, violation ng number coding scheme, at attended illegal parking.
Kasabay nito, ipinatutupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila, kung saan ang mga paglabag sa trapiko ay naitatala gamit ang closed-circuit television (CCTV).
Susuriin din ng MMDA at ng Land Transportation Office (LTO) ang footage bago ideklarang opisyal ang isang violation.
Samantala, nangako naman si MMDA General Manager Nicolas Torre III na paiikliin nito ang response time sa mga road crash sa limang minuto.
















