-- Advertisements --

Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sinusuportahan nito ang panukalang pagbabawal ng Land Transportation Office (LTO) sa mga electric bicycles (e-bikes) at electric tricycles (e-trikes) sa mga national highways.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, mayroon nang mga regulasyon na ipinatupad mula pa noong 2002 hinggil sa paggamit ng mga ito sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Paliwanag pa ni Artes, ang regulasyon ng mga inner roads at mga lugar sa labas ng Metro Manila ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng LTO at mga lokal na pamahalaan (LGUs).

Sinabi niyang kung magpapatupad ng kabuuang pagbabawal ang LTO, ay kanila itong susuportahan.

Hinihintay na lang daw ng ahensya ang guidelines hinggil sa panukala.

Samantala ipinagpaliban muna ng LTO ang pagbabawal sa e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing kalsada at national highways hanggang sa Enero 2, 2026.