Pumalo na sa 1,075 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y makaraang madagdagan ng record high sa loob ng isang araw na 272 cases ang mga biktima ng naturang sakit.

Maging ang bilang ng mga nasawi ay nadagdagan ng 14, para umakyat ang record ng mga namatay sa 68.

Samantala, 35 naman ang naka-recover, matapos ang gamutan at qurantine procedure na ipinatupad para sa mga pasyente.