Nadagdagan pa ng 12 kaso ng coronavirus o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) dahil sa nasabing bagong bilang ay umaabot na ngayon sa kabuuang 64 na ang nagpositibo sa sa nasabing virus.

Sa nasabing bagong kaso, karamihan sa mga dito ay may edad 40 pataas kung san tatlo sa 12 ay Filipino nationals habang inaalam pang mabuti ang nationalities ng siyam na iba pa.

Residente naman ng Mandaluyong City ang PH53, habang taga Pasig City ang PH54, Makati City ang PH58 at 60, taga Rizal naman ang PH63 at Manila naman ang PH64.

Patuloy pa rin ang panawagan ng DOH na tulungan sila sa paghahanap ng mga nakasalamuha ng mga nagpositibo ng nasabing virus.