Epektibo ngayong 12:01 ng tanghali, Hunyo 30, opisyal nang uupo ang mga nahalal sa 2025 midterm elections.
Simula ito ng 3 taon na paninilbihan maliban sa 12 senador na uupo ng 6 na taon o hanggang 2028.
Batay sa data ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), karamihan sa mga nahalal sa lokal na pamahalaan ay dati nang nakaupo sa puwesto o nag-iba lang ng posisyon sa kaparehong lungsod o probinsya.
Pero sa pananaw ni Prof. Solita “Winnie” Monsod, ang kaibahan lang sa katatapos na eleksyon ay nagpakita ng lakas ang mga kabataan sa pagboto, lalo na sa senatorial race.
May kabuuang 18, 225 na mga opisyal ang magsisimula ng kanilang mandato ngayong araw, mula sa mga senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, at iba pa.
Sa nasabing bilang, 12 bagong senador ang nahalal mula sa kabuuang 24 na puwesto sa Senado.
Nasa 317naman ang mga bagong miyembro ng House of Representatives, na binubuo ng:
254 district representatives
63 party-list representatives