Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magbibitiw na sa pwesto si Commissioner Rogelio ‘Babes’ Singson.
Ayon kay Reyes, sinabi ni Singson sa kanya na hindi niya kaya ang ‘stressful work’ ng komisyon.
Dagdag pa niya na hanggang December 15 magiging effective ang resignation ngunit maaari pa itong mapalawig.
Bago ang anunsyo, inamin na umano ni Singson kay Atty. Jacinto “Jing” Paras ang planong pagkalas sa panel.
Sinasabing malaki ang epekto ng trabaho sa kalusugan ng dating DPWH secretary.
Matatandaang unang nagbitiw sa pwesto sa komisyon si Baguio Mayor Benjamin Magalong matapos umano magkaroon ng conflict of interest sa kanyang trabaho bilang mayor.
Ang Independent Commission ay binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bisa ng Executive Order No. 94, nilagdaan noong Setyembre 11, 2025.
Ang batas na naging basehan nito ay ang Constitutional power ng Pangulo na maglabas ng Executive Orders para sa mahusay na pamamahala, at partikular na nakatuon ito sa pag-imbestiga ng anomalya at katiwalian sa mga proyektong pang-imprastruktura, lalo na sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nakalipas na 10 taon. (Bombo Ysa Cotoner)
















