Makalipas ang limang oras na negosasyon sa pagitan ng mga negotiator ng Amerika at Russia, bigo ang magkabilang panig na makagawa ng breakthrough sa Ukraine peace plan.
Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov naging mabunga ang naturang pulong, subalit ilang parte ng plano ang hindi pa rin tinatanggap ng Russia.
Inihayag naman ng senior aide ni Russian President Vladimir Putin na si Yuri Ushakov na kasama sa Moscow meeting, wala pa silang nabuong kasunduan, kayat marami pa aniya ang kailangang trabahuin.
Ilan sa mga hindi pinagkasunduan ng Moscow at Kyiv ay ang pagtutol ng Ukraine na isuko ang kanilang teritoryo na patuloy nitong kontrolado at ang security guarantees na ibibigay ng Europa.
Kabilang nga sa dumalo sa naturang pulong sina US Special envoy to the Middle East Steve Wikoff at son-in-law ni US President Donald Trump na si Jared Kushner, na hindi pa nagbibigay ng komento mula nang umalis sa Moscow matapos ang naturang negosasyon.
















