-- Advertisements --

Isasagawa ang trilateral talks para mawaksan ang giyera sa Ukraine sa United Arab Emirates, ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ito aniya ang napag-usapan nila ni US President Donald Trump sa Davos, Switzerland.

Ang magiging pagpupulong aniya ay sa pagitan ng Russia, Amerika at Ukraine.

Ayon kay Trump, si US envoy Steve Witkoff ang magtutungo sa Russia para makipag-usap kay Russian President Vladimir Putin. Kasama ni Witkoff na bibiyahe sa Moscow ang son-in-law ni Trump na si Jared Kushner.

Iginiit naman ni Zelensky na dapat maging handa rin ang Russia na magkompromiso hindi lamang ang Ukraine.

Matatandaan, sa ilalim ng 20-point plan ng Amerika, nag-alok si Zelensky na iatras ang kanilang mga sundalo ng hanggang 40km mula sa 25% ng Donetsk Region na nasa kontrol ng Ukraine para makalikha ng economic zone sa Donbas region, kung pareho ang gagawin ng Russia.