-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng pulong ang mga opisyal ng US at Iran.
Gagawin ito sa araw ng Miyerkules sa Geneva, Switzerland.
Pangungunahan ito ni U.S. special envoy Steve Witkoff at ang manugang ni US President Donald Trump na si Jared Kushner.
Sa panig naman ng Iran ay kakatawanin ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi at magiging mediator sa pag-uusap si Omani Foreign Minister Badr Al-Busaidi.
Ang pulong ay siyang pinakabagong diplomatic effort para maiwasan ang anumang hakbang ng US military laban sa Tehran at para maiwasan na lumala ang tensiyon.
Una ng nagsagawa ng pulong ang dalawang panig noong Pebrero 6 na isinagawa nsa Muscat, Oman.
Sinabi ng Iran na handa sila ng nuclear deal sa US para tuluyang maayos ang problema.
















