-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa Germany si US Special Envoy to the Middle East Steve Witkoff para makipagkita kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at European leaders ngayong weekend.

Ito ay para sa panibagong round ng high-level talks para mawaksan na ang giyera sa Ukraine.

Si Witkoff ang nangunguna sa negotiators ng Amerika para mamagitan sa Ukraine at Russia. Inaasahang tatalakayin ni Witkoff ang pinakabagong bersiyon ng panukalang peace agreement sa Berlin.

Isinusulong kasi ng Trump administration na magkaroon na ng kasunduan pagsapit ng Pasko.

Hindi naman kumpirmado pa kung sinu-sinong European leaders ang dadalo sa naturang pulong.

Ang kumpirmasyon ng pulong sa pagitan nina Zelensky at Witkoff ay ilang araw matapos ibigay ng Ukraine sa US ang revised version nito sa 20-point peace plan.