-- Advertisements --

Sinagot ng Malakanyang ang banat ni suspended Cavite Representative Kiko Barzaga laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Itoy matapos banatan ng kongresista ang Punong Ehekutibo na sangkot umano sa mga anomalya at korapsiyon.

Pinapalabas kasi ni Barzaga na si Pangulong Ferdinand MArcos ang nasa likod ng kaniyang suspension sa Kamara dahil kritikal ito sa pangulo.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro walang katotohanan ang mga alegasyon ni Barzaga sa Pangulo, bagkus ginagamit lamang nito ang pangalan ng Presidente para ma justify ang kaniyang ginagawang disinformation.

Kahapon sinuspinde ng Kamara si Barzaga dahil napatunayan itong guilty 

dahil sa disorderly behavior.

Nasa 24 Kongresista ang naghain ng ethics complaint laban sa batang kongresista.

Inihayag ni Castro na nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng House of Representatives hinggil sa reklamo laban kay Barzaga.

“ Unang-una po, iyong mga lewd photos na kaniyang pinost, hindi naman po kasama ang Pangulo noong ito ay kaniyang ginawa. Hindi naman kasama ang Pangulo noong ito’y pinost at iyong mga sinasabi niyang mga diumanong disinformation laban sa AFP, hindi rin po yata kasama ang Pangulo sa kaniyang mga diumanong disinformation. So, sa ating nakikita rito, ginagamit lamang ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr. para ma-justify ang kaniyang mga ginagawang disinformation,” payahag ni USec. Claire Castro.