-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Terrafima Dyip ang kanilang panalo sa tatlo matapos talunin ang Blackwater Bossing 99-88 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.

Sa simula pa lamang ay hawak na ng Dyip ang kalamangan sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.

Nanguna sa panalo ng Dyip si Mubashar Ali na may 22 points at 23 rebounds, habang mayroong 22 points si Paolo Hernandez.

Umabot pa sa 20 points ang kalamangan ng Dyip subalit napababa ito ng Bossing sa 50-49 sa pagtatapos ng first half.

Ikinagalak naman ni Terrafirma coach Ronald Tubid ang naging paglalaro ng kaniyang koponan dahil sa matinding depensa na ipinamalas ng kaniyang mga manlalaro.

Nasayang naman ang ginawang 25 points ni Sedrick Barefield habang 11 points at pitong rebounds ni Daniel Ochefu para sa Bossing.