-- Advertisements --
Nagkasundo ang Afghanistan at Pakistan na huwag munang magkaroon ng pag-aatake sa bawat habang ipinagdiriwang ang Eid al-Fitr.
Ayon kay Pakistani Information Minister Attaullah Tarar na ang tigil-putukan ay magsisimula mula Huwebes hanggang Biyernes.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa kahilingan ng Saudi Arabia, Qatar at Turkiye.
Dagdag pa nito na bilang pag-respeto sa kapiyestahan ay sila ay buong puso na tutugon.
Subalit nagbabala din ito na sakaling magkaroon ng cross-border attack, drone attack o kahit anumang terror attack ay hindi sila magdadalawang isip na gumanti.
Magugunitang inakusahan ng Afghanistan ang Pakistani military na nasa likod ng pagpaslang sa ilang daang mga katao sa kanilang airstrikes sa kabul.
















