-- Advertisements --

Pinatikim ng Meralco Bolts ang pangalawang sunod na talo ng Converge 109-88 sa PBA 50th Season Commissioner’s Cup.

Dahil dito ay mayroon ng isang panalo at dalawang talo ang FiberXers sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Marvin Jones na nagtala ng 29 points at walong rebounds habang si CJ Cancino ay mayroong 23 points at walong assists.

Nagdagdag naman ng 19 points si Chris
Inamin ni Meralco coach Luigi Trillo na nahirapan sila s first quarter.

Hindi naman umubra ang nagawang 18 points ni Alec Stockton at 16 points, 11 rebounds naman ni Justin Arana para sa Converge.