-- Advertisements --

Inaasahana na ng National Food Authority (NFA) ang pagtaas ng presyo ng palay dahil sa asahan ang pagtama ng severe El Niño sa bansa.

Ayon kay NFA administrator Larry Lacson na maaring umabot sa P30 kada kilo mula sa P27 ang buying price ng malinis at dry palay sa bansa kapag tumama na ang El Niño.

Paliwanag naman nito na maaaring tumaas ito dahil sa kakaunti lamang ang suplay.

Dahil dito ay mag-aagawan ng stocks ang mga millers.

Dagdag pa nito na mayroon lamang ng hanggang P30 kada kilo ang kanilang inaaprubahan.

Kailangan nilang makipag-kumpetensiya sa presyo para magkaroon sila ng sapat na suplay ng palay.

Umaasa naman ito na hindi gaanong magkaroon ng negatibong epekto ang nasabing El Nino sa bansa.