-- Advertisements --
Handang sumailim sa lifestyle check ang First Family matapos na lumabas na ulat na nakatanggap ng maraming pondo sa nagdaang tatlong taon ang balwarte ng mga Marcoses na Ilocos Norte.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, na ipapaubaya na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa anak nito na si Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos ang pagsagot sa nasabing alegasyon.
Mula pa noon aniya ay bukas at handa ang First Family sa anumang lifestyle check.
Magugunitang naglabas ng ulat ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na nakakuha ang Ilocos Norte ng malaking parte sa P1.2 trillion na allocable funds.
















