Asahan ang panibagong bagyo ngayong linggo sa karagatan ng ating bansa.
Ang low pressure area (LPA) kasi na kasalukuyang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay may mataas na posibilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Huling namataan ang LPA sa layong humigit-kumulang 1,200 kilometro silangan ng Southeastern Luzon at inaasahang papasok sa PAR ngayong araw.
Kapag tuluyang naging bagyo, tatawagin itong “Wilma,” ang susunod sa listahan ng lokal na pangalan ng sama ng panahon ngayong taon.
Inaasahan na magdadala ito ng malalakas na pag-ulan sa Visayas at Southern Luzon simula Huwebes, Disyembre 4, 2025.
Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang Mindanao na nagdudulot ng mga pag-ulan at thunderstorms.
Sa hilagang Luzon naman, umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan na nagdadala ng malamig na hangin at maulap na kalangitan.
















