-- Advertisements --

Nanawagan si FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe sa Kamara na ipasa ang House Bill 2196 o Food Waste Reduction Act, na layong bawasan ang bilang ng pamilyang nakararanas ng involuntary hunger habang malaking halaga ng pagkaing maaaring kainin ay itinatapon araw-araw.

Tinukoy ni Poe ang datos ng Social Weather Stations na nagsasabing halos isa sa bawat limang pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom.

Sinabi ni Poe na isang moral outrage ang pagtatapon ng pagkain.

Sa panukala, inaatasan ang food manufacturers, supermarkets, restaurants, hotel, at culinary schools na ihiwalay at i-donate ang kanilang edible surplus sa accredited food banks, na dadaan sa inspeksyon ng health officials bago ipamahagi sa LGUs at DSWD.

Lilikha rin ng sistema ang mga LGU para i-recycle ang hindi na makakain na food waste bilang compost upang mabawasan ang basura at makatulong sa agrikultura.

Isang mahalagang probisyon ang pagbibigay-proteksyon sa mga establisimiyentong magdodonate upang hindi managot kapag maayos na naipasa ang pagkain sa food banks—isang hakbang na tinukoy ni Poe bilang susi sa pag-alis ng takot sa donation.

Binigyang-diin ni Poe na ang panukala ay para sa responsableng paggamit ng yaman ng bansa.

Giit ng Kongresista hindi ito partisan issue at hindi rin human issue at sabay na hiniling na gawing daan ang sobrang pagkain upang mapalakas ang komunidad at itaas ang dignidad ng mga Pilipino.