Hinimok ng Department of Justice ang publiko na makiisa sa inilunsad na imbestigasyon sa mga kaganapan o insidente sa Senado noong nakaraang linggo.
Sa pahayag ni Justice Sec. Fredderick Vida, kanyang inanyayahan ang mga indibidwal na may hawak na video o anuman ebidensya na ito’y ipadala sa kagawaran.
Basta beripikado o miski kaya pang maberipika na piraso ng ebidensya makatutulong sa pag-iimbestiga, paanyaya ng kalihim na isumite ito sa binuong espesyal na grupo.
Bumuo kasi ang kagawaran ng ‘Special Panel of Prosecutors’ para sa komprehensibong ‘case-buildup investigation’ ng mga pangyayari.
Binigyan naman ng hanggang Miyerkules ang mga ahensiyang inatasan magsumite ng inisyal na ulat ng mga pangyayari kabilang ang National Bureau of Investigationn, Philippine National Police at iba pa.
















