Umalma si dating Senador Antonio Trillanes IV na wala pang Senador ang inaresto sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso kasunod ng tangkang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato’ Dela Rosa.
Sa panayam ng kawani ng media sa Senado, tinawag ni Trillanes na sinungaling ang nagsabing wala pang naarestong Senador sa kapulungan.
Binalikan pa ni Trillanes ang ginawang pag-aresto sa kaniya noon habang nasa kasagsagan ng sesyon ang Senado.
Pinakita rin ni Trillanes ang video ng pagsisilbi ng arrest warrant at pagbasa ng miranda rights sa kaniya sa premises ng Senado.
Matatandaan, taong 2018 isinailalim din noon sa protective custody ng Senado si Trillanes ni dating Senate President Vicente Sotto II. Ang pag-aresto sa kaniya noon ay may kinalaman sa kasong rebellion matapos bawiin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang amnesty.
Ikinustodiya sa Senado si Trillanes bago makapag-hain ng piyansa.
Nagpasya naman ang Korte Suprema noong 2024 na ang pag-withdraw ng dating Pangulo sa amnesty ay labag sa batas.
Samantala, maliban kay Trillanes, inaresto rin si ML party list Rep. Leila De Lima habang nasa loob noon ng Senado para sa mga kasong may kinalaman sa illegal drug trade.
Isinilbi ang arrest warrant sa kaniya sa pakikipagtulungan sa PNP at Senate Sergeant at Arms. Sumuko naman si de lima subalit iginiit niyang inosente siya. Kamakailan lamang din ng mapawalang sala si de lima sa lahat ng drugs related cases laban sa kaniya.
















