Nanindigan si Rep. Leila De Lima para sa mga pamilya ng mga umano’y biktima ng extrajudicial killings (EJK). Kasabay ng panawagan na mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasong kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang pahayag, sinabi ni De Lima na kaisa sila ng mga pamilya ng EJK victims sa paghahangad na manatiling akma si Duterte na humarap sa paglilitis at managot sa mga alegasyon laban sa kanya.
“We are one with the families of EJK victims in wishing Duterte continued fitness to stand trial and face accountability for his crimes against humanity.” Ani Rep. De Lima
Samantala, patuloy namang hinihintay ang magiging desisyon ng ICC trial Chamber III hinggil sa fitness ni Duterte na humarap sa paglilitis.
















