Tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na patuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa kabila ng mga kaganapan sa Senado.
Aniya’y sinusuri pa nila ang natanggap na partial blue ribbon committee report ng Senado ukol sa kontrobersyal na mga proyekto.
Inihahanda na raw ang mga ‘draft complaints’ at kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa 35 hanggang 45 mga kaso.
Dagdag pa na iniimbestigahan na rin ng tanod-bayan ang mga miyembro ng ‘small committee’ ng Kamara at Senado na responsable sa pagsasapinal ng pambansang badyet na isinumite sa pangulo.
Kabilang rito ay sina former Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, dating Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe at House Minority Leader Marcelino Libanan.
Si Quimbo ay naging chairperson ng House Appropriations Committee matapos magbitiw ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at miyembro ng tinawag na ‘small committee’ kung saan naisyu ng insertions sa national budget ng 2025.
Bukas ang tanggapan ng Bombo Radyo para sa anuman reaksyon o pahayag ng mga nabanggit.
















