-- Advertisements --

Bumwelta si Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na lalabanan nito ang mga “greedy” o sakim na government officials.

Tugon ni Castro sa pahayag ng Pangalawang Pangulo na simulan niya ito sa kaniyang mismong opisina ang Office of the Vice President (OVP).

Hindi naman tinukoy ng Pangalawang Pangulo kung sino itong mga “greedy” o sakim na mga government officials.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa year-end report ng OVP, tampok ang mga accomplishment ng kanyang tanggapan sa bawat programang ipinatupad nila ngayong 2025.

Maaalalang hindi pa natutuldukan ang kontrobersya ng Pangalawang Pangulo na may kinalaman sa confidential at intelligence funds.