-- Advertisements --

Hindi pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ng Philippine Sports Commission (PSC) na isama sa listahan ng local absentee voting ang mga atleta na sasasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam.

Gaganapin ang SEA Games mula Mayo 12 hanggang 23 sa Hanoi na ang opening ceremony ay tatlong araw matapos ang national at local elections a Mayo 9.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na karamihan sa mga delegado ay magtutungo sa Vietnam isang linggo bago ang opening ceremony para masanay nila ang klima at makita ang mga venue.

Maituturing na lamang na isang sakripisyo para sa mga atleta na magrerepresenta ng bansa ang hindi nila pagboto sa nalalapit na halalan.