Inanunsiyo ng Commission on Election (COMELEC) na kanlang bubuksan ang registration ng overseas voters para sa 2028 presidential elections mula Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027.
Ayon sa COMELEC na lahat ng mga Filipino citizen na nasa ibang bansa habang isinasagawa ang 30-araw na voting period, nasa edad 18 pataas at hindi na-disqualified ng batas ay maari magrehistro bilang overseas voters.
Ang registration ay bukas din sa ibang mga aplikasyon gaya ng transfer of Registration Records, Reactivation, Change of name, change of address, inclusion/ reinstatement at certification.
Maaring magregistro ang mga aplikante sa anumang embahada, konsulada, Manila Economic and Cultural Office sa ibang bansa ganun din sa mga itinakdang registration centers.
Habang ang mga nais na magpalipat mula sa Philippine Post patungong lokal ay maari itong gawin sa Office of the Election Officer.