-- Advertisements --

Naging malaman ang Valentines Day message ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Castro na ang tanging mensahe nito sa Bise Presidente ay magpakalat ng pagmamahal at hindi fake news at immoralidad, ‘Don’t be a Chucky’ na tumutukoy sa isang horror doll sa pelikula.

Bago ito ay binatikos ni Castro si Duterte kung saan sinabi niyang nagkamit ng impeachable offense si Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong pinirmahan niya ang national budget.

Dagdag pa ni Castro na dapat ay unahin muna ng Bise Presidente ang kaniyang kaso bago pakialaman ang kaso ng iba.