Ipinagmalaki na inulat ni PBBM na ang problema sa power supply ng Siquijor naayos na.
Ayon sa Pangulo ok na ang supply at ang kailangan na lang ay ayusin ang sistema sa sandaling magkaruon ng power outage sa isang lugar ay maari ng mag shift ng supply source mula sa ibang power plant.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na buo na ang suplay ng kuryente sa Siquijor matapos ang ceremonial switch-on ng 17.8-megawatt New Siquijor Diesel Power Plants sa Larena, Siquijor na may sapat na kapasidad at reserba upang maiwasan ang brownouts.
Sinabi ng Pangulo ang PROSIELCO o ang Provincial Electric Cooperative of Siquijor Inc. ang magppatakbo ng suplay ng kuryente sa probinsiya.
Ikinalugod ng Pangulo na idiklara na buo na ang power supply ng kuryente sa Siquijor.
Kinilala naman ng Pangulo ang Department of Energy, National Electrification Administration at Energy Regulatory Commission sa naibalik ng maayos ang suplay ng kuryente.