-- Advertisements --

Mariing kinontra ng Malakanyang ang umano’y spin mula sa ilang Kongresista na layong ilihis ang isyu sa maanomalyang flood control projects, korapsyon at ibaling sa Executive Branch ang pananagutan.

Hindi nagustuhan ng Executive Branch ang spin ng ilang house members partikular ang planong ibalik sa Department of Budget and Management (DBM) ang 2026 National Expenditure Program (NEP).

Sa isang statement, nagbabala si Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabihan nito ang House of Representatives tumugon sa panawagan ng publiko ang full accountability sa mga maanomalyang flood control projects kasunod ng nagpapatuloy na 2026 budget deliberations.

Pagtiyak ni Bersamin na hindi papahintulutan ng mga Miyembro ng Gabinete ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Executive Branch, at anumang pagsisikap na i-hostage ang proseso ng badyet ng mga pampulitikang teatro.

Hinimok ng Executive Secretary ang Kamara de Representantes na magkaroon ng full accountability sa kanilang mga miyembro sa imbestigasyon na sinimulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa anomalyang flood control at iba pang proyekto.

Sinabihan ni Bersamin ang KAMARA. Clean your house first!

Dahil magiging walang saysay ang imbestigasyon ng gobyerno kung hindi nalilinis ang mga sources ng korapsyon.

Malapit na ring mabuo ang Independent Commission na siyang mag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyekto.