-- Advertisements --

Mariing tinanggihan ni Taiwanese President Lai Ching-te ang panibagong panawagan ng China na ipailalim ang isla sa sistemang “one country, two systems,” at iginiit na mananatiling malaya at demokratiko ang Taiwan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Lai na tanging lakas at kahandaan sa depensa ang makapagdudulot ng tunay na kapayapaan.

Ang pahayag ay tugon sa mas matinding tono ng Beijing ngayong linggo, matapos ideklarang “hindi nito isinasantabi ang paggamit ng puwersa” laban sa Taiwan.

Giit pa ng Pangulo, ang Republic of China (opisyal na pangalan ng Taiwan) at ang People’s Republic of China ay “hindi magka-subordinate,” at tanging mga mamamayan ng Taiwan ang may karapatang magpasya sa kanilang kinabukasan.

Ipinahayag din ni Lai ang layunin na itaas sa 5% ng GDP ang gastusin sa depensa ng Taiwan pagsapit ng taong 2030, upang palakasin ang kakayahan ng bansa laban sa lumalaking banta mula sa China.