-- Advertisements --

Naaksidente si US snowboarding star Chloe Kim habang ito ay nag-eensayo sa Switzerland.

Sa video na kaniyang ipinost sa social media account niya ay nagtamo ay sinabi niyang na-dislocate ang kaniyang balikat.

Dahil dito ay kuwestiyonable kung makakasali pa ba siya sa Winter Olympics sa susunod na buwan.

Lalahok sana ito sa women’s halfpipe sa Milan-Cortina Games na magsisimula sa Pebrero 11.

Dagdag pa nito na patuloy ang kaniyang pagpapahinga at magpapagaling muna.

Nagwagi ng gintong medalya si Kim noong 2018 PyeongChang Olympics sa South Korea sa edad na 17.

Siya ang naging pinakabatang nagkampeon sa halfpipe at naulit pa noong 2022 Beijing na unang babae na dalawang beses na nagwagi ng gintong medalya sa nasabing sports.