-- Advertisements --

Sa kabila ng pasalamat sa pagtulong ng China sa isinagawa nitong “humanitarian act” sa isang Pilipinong mangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea, kataka-taka naman umano ang presensiya ng People’s Liberation Army Navy ship ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. Renato de Castro, isang defense analyst, dapat kuwestiyunin pa rin kung bakit umiikot ang barko ng China sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sinabi rin ni de Castro na asahang mas darami ang mga barko ng China sa bahagi ng West Philippine Sea at maging sa Luzon Strait.

Pinaghahandaan na umano ng China ang kanilang plano na salakayin ang Taiwan pagsapit ng 2027.

Sinisindak umano ng Beijing ang mga bansang kumikiling sa Taiwan at sa tingin nilang magiging hadlang sa kanilang sa mga plano.

Hangad ng eksperto na magtuloy-tuloy na ang modernization program ng pamahalaang Pilipinas sa mga pasilidad na nakalaan sa mga karagatang sakop ng ating bansa.