-- Advertisements --
Aabot sa 31 katao na ang nasawi matapos na tamaan ng malawakang pagbaha ang isang care home para sa mga may-edad sa China.
Aabot sa lagpas tao ang baha na tumama sa care home sa Miyun District kung saan marami sa mga nasawi ay yung hindi na makagalaw.
Aminado ang mga otoridad na nagkaroon sila pagkukulang sa emergency planning.
Mayroon ng kabuuang 44 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa China dahil sa naranasang pag-ulan ng ilang araw.
Sa Hebei province ay mayroong 16 katao na ang nasawi habang walo naman ang nasawi sa Chengde province.