-- Advertisements --

Hinikayat ng pamunuan ng Philippine Space Agency ang mga residente sa Puerto Princesa na ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang mga makikitang debris mula sa rocket launch ng China.

Una nang pinag-ingat ng ahensya ng mga residente sa Puerto Princesa dahil sa naturang aktibidad.

Nabatid na ni launch ang Long March 12 rocket kaninang 6:21 PM sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan.

Ang ganitong mga aktibidad ay mapanganib para sa mga ships, aircraft, fishing boats, at iba pang sasakyang pandagat na daraan sa drop zone.