Nagbigay ng babala ang Philippine Space Agency (PhilSA) tungkol sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa Long March 12 rocket ng China, na inilunsad mula sa Hainan, China, noong Biyernes.
Ayon sa PhilSA, inaasahang babagsak ang mga fragment ng rocket sa katubigan ng Pilipinas, partikular sa malapit sa Puerto Princesa, Palawan, at sa Tubbataha Reefs.
Inaasahang matatagpuan ang mga debris sa 23 nautical miles mula sa Puerto Princesa at 21 nautical miles mula sa Tubbataha, mga lugar na madalas din daanan ng mga barko at eroplano.
Bagama’t maliit ang posibilidad na tumama ang debris sa lupa o sa mga mataong lugar, may panganib pa rin ito sa mga barko, mangingisda, at eroplano sa rehiyon.
May posibilidad din aniya na ang ilang debris ay mapadpad ng sa mga dalampasigan.















