-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) na bumagsak ang debris o mga bahagi ng Long March 12 rocket ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas malapit sa Palawan kagabi, Agosto 4.

Ang debris ay bumagsak sa loob ng 21 nautical miles mula sa Puerto Princesa at 18 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park, mga lugar na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

Kaugnay nito, inulit ng ahensiya ang babala nito sa publiko laban sa panganib ng rocket debris.

Sakaling mamataan, pinapayuhan ang publiko na huwag hawakan o kolektahin ang anumang makitang debris dahil maaaring nagtataglay ito ng nakalalasong sangkap tulad ng rocket fuel, sa halip, agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad.