Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) laban sa nakatakda muling pagpapalipad ng China ng isang Long March Rocket 7A sa huling araw ng Disyembre (31), 2025.
Batay sa sulat na ipinadala ng PhilSA sa Office of the President, magmumula ang rocket sa Space Launch Site sa Wenchang, Hainan, ganap na alas-6:32 hanggang alas-7:14 ng umaga, oras sa Pilipinas.
Maaaring malaglag sa mga karagatan ng Pilipinas ang ilan sa mga rocket debris, na posibleng magdulot ng banta o panganib sa buhay at ari-arian, ayon sa ahensiya.
Kabilang sa mga natukoy na drop zone na pawang nasa ilalim ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas (EEZ), ay ang mga sumusunod:
Drop Zone 1: 45 miles mula sa Burgos, Ilocos Norte, at 67 miles mula sa Dalupiri Island, Cagayan.
Drop Zone 2: 64 miles mula sa Sta na, Cagayan, at 76 miles mula sa Camiguin Norte.
Bagaman mababa ang tyansang magdulot ng matinding pinsala ang mga mahuhulog na debris, sinabi ng PhilSA na kailangan ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga nagtutungo sa karagatan.
Pinapayuhan ang mga ito na iwasan muna ang mga nabanggit na drop zone mula alas-6:32 hanggang alas-7:14 ng umaga ng Dec. 31.
















