-- Advertisements --

Namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang chinese research vessel sa West Philippine Sea habang nagsasagawa ng maritime domain awareness patrol nitong Sabado.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa kalagitnaan ng patrol ay namataan nila Chinese research vessel Xiang Yang HOng 05 sa layong 14.92 nautical miles mula sa Babuyan Island.

Ani Tarriela nagsagawa ng radio challenge ang kanilang PCG aircraft ngunit walang naging sagot dito ang naturang research vessel.

Ayon pa kay Tarriela, nauna na dito ay pumsok na noong Hunyo 7 ang Xiang yang Hong 05 sa Philippine exclusive economic zone at umalis rin ng Hunyo 9 at tsaka nagsagawa ng isang marine scientific research sa pacidific Ocean bago muling bpumsok sa EEZ noong hulyo 31.

Samantala, muli namang namataan ang parehong barko nitong Linggo ng umaga sa layong 86 nautical miles mula sa Calayan Island sa Cagayan sa pamamagitan ng Automatic Identification System (AIS).

Muli namang nanindigan ang PCG na mananatili silang maninidigan at magmomonitor para maprotektahan ang maritime jurisdiction ng bansa at pagppanatili ng kaligtasan at seguridad laban sa mga foreign vessels na siyang nagsasagawa ng mga hindi otorisado at iligal na maritime activities.