-- Advertisements --

Nakatakdang isubasta ng Bureau of Customs (BOC ) ang pito sa 13 sasakyan na pag-aari ng kontratistang mag-asawang sina Pacifico “Curlee” at Cezarah Discaya.

Ayon kay Customs spokesperson Chris Bendijo, na naghain ng voluntary forfeiture ang mga Discaya at hindi na nila iaapila ang pagkumpiska ng pito sa 13 sasakyan na nasa kutodiya ng BOC.

Ang pitong sasakyan ay walang anumang records ng import entry o certificates of payment.

Kinabibilangan ito ng mga Rolls-Royce Cullinan, Bentley Bentayga, Mercedes-Benz G63 and G500, Lincoln Navigator L, and Toyota Tundra at Sequoia.

Itinakda ang auction sa darating na Nobyembre 15 at wala silang planong i-livestream ang kaganapan.

Ang natitirang anim na sasakyan ay mayroong import documents pero kuwestiyonable ang payment records kaya nagsumite ang Discaya ng “position paper” para kontrahin ang seizure order ng BOC.