-- Advertisements --
Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si South Korean President Lee Jae Myung na bumisita sa Pilipinas.
Ito ang tinalakay ng dalawa sa pagdalo ni Marcos sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa South Korea.
Dagdag pa ni Marcos na makakatulongang South Korea para sa promosyon ng rules-based order na magkaroon ng secure at maunlad na rehiyon.
Tumugon naman si Lee at sinabing susubukan niyang bumisita sa Pilipinas.
Kinilala din ng Pangulo ng South Korea ang tulong ng Pilipinas noogn Korean War kung saan mayroong 7,420 na mga sundalong Pinoy ang tumulong bilang bahagi ng Philippine Expeditionary Forces na lumaban kasama ang mga sundalo ng South Korea.
















