-- Advertisements --

Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang malaking pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene sa unang linggo ng Nobyembre.

Ayon kay Rodela Romero ng DOE Oil Industry Management Bureau,posibleng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo kagaya ng

  • Gasolina: P1.20/litro
  • Diesel: P2.15/litro
  • Kerosene: P1.75/litro

Paliwanag ng DOE, ang sanhi ng pagtaas ay ang pagbawas ng tensyon sa kalakalan ng Estados Unidos at China, pati na rin ang mga sanctions sa Russia, nakakaapekto rin ang paghina ng piso laban sa dolyar.

Ito na ang ikalawang linggong pagtaas ng presyo ng langis ngayong buwan, matapos ang naunanang oil price hike noong Oktubre 28.