-- Advertisements --

Naghain ngayong araw sa tanggapan ng Kataas-taasang Hukuman ang Duterte Youth Partylist upang kwestyunin ang inilabas na desisyon ng Commission on Elections kamakailan.

Naniniwala ang naturang party-list na nagkaroon umano ang COMELEC ng paglabag sa Konstitusyon kasabay giit ng ‘grave abuse of discretion’ nang kanselahin ang kanilang ‘registration’.

Hiling anila sa Korte Suprema na mag-isyu ito ng Temporary Restraining Order o TRO, Status Quo Ante Order, at iba pa upang kadyat maresolba lamang ang isyu.

Ayon sa Chairperson ng Duterte Youth Partylist na si Ronal Cardema, ang mga alegasyon ibinabato sa kanila ay wala umanong basehan at matibay na ebidensya.

Kaya’t malakas ang paninindigan ng grupo na pakikinggan sila ng Korte Suprema at pagbibigyan ang kanilang mga kahilingan.