Masayang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari ng iparating ang mga reklamo laban sa serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng text message sa 8888 Citizen’s Complaint Hotline ang 24/7 public service hotline.

Libre umano ang nasabing serbisyo at hindi machacharge sa load ng complainant.

Itext lamang ang reklamo at ipadala ito sa 8888 kung saan bukas ito sa lahat ng telephone companies.

Dagdag pa ni Roque na nagkaroon ito ng soft launch noong Nobyembre 3 at ito ay gumagana na.

Magugunitang sa pamamagitan ng Executive Order No. 6 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 2016 ay inilunsad ang 8888 Citizen’s Complaint Hotline.